Patay ang apat na suspek sa pambobomba sa isang bus sa Aleosan, North Cotabato matapos umanong manlaban sa mga sundalo sa bayan ng Carmen.
Kinilala ang tatlo sa mga nasawi na sina Dawlah Islamiya terrorist group leader Norodin Hassan, Abdonilla Hassan at Abdunha Hassan.
Ayon kay Maj. Gen. Juvymax Uy, kumander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central, kumpirmadong ang grupo ni Hassan ang sangkot sa pagpapasabog at panununog ng isang yunit ng Mindanao Star Bus.
Binabaybay ng bus ang Cotabato-Davao Highway sa Barangay San Mateo nang biglang sumabog ang bomba sa loob nito na ikinasawi ng isang bata at ikinasawi ng anim na iba pa.
Pangingikil ang sinasabing ugat sa naturang pambobomba.