Isinapubliko na ng Malakanyang ang appointment paper ni bagong Department of Tourism Undersecretary Arturo Boncato Jr. na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakalipas na June 13, 2018.
Pinalitan ni Boncato sa pwesto si Jose Gabriel “Pompee” La Viña na inilipat ng pangulo sa Department of Agriculture bilang Undersecretary.
Bago itinalaga si Boncato sa DOT, dati itong umupo bilang Assistant Secretary ng Department of Trade and Industry at pinamunuan ang DTI competitiveness and ease of doing business group.