Kasado na ang mas pinaigting na bonding at thrills ng gaming, hotels, entertainment, dining at retail sa pinalaki at pinagandang Newport World Resorts sa Pasay City.
Ipinabatid ito ni Joy Andrade, Public Relations Manager ng Corporate Communications, Integrated Marketing ng Newport World Resorts na dating Resorts World Manila.
Binigyang-diin ni Andrade na ang pagbabagong bihis ng Newport World Resorts ay patunay nang pagpapasigla ng integrated resort concept sa bansa na sila ang nagpasimula nuong 2009.
Tiniyak ni Andrade na sa kabila nang pagbabagong ito nananatili pa rin ang kanilang mga tao at kumpanyang committed na pasiglahin ang kada mundong pupuwede nating pasukin sa pamamagitan ng Newport World Resorts.
Kabilang dito ang Newport Grand Wing at Newport Garden Wing na magbibigay ng kakaibang gaming experience ang international hotel brands tulad ng Marriot Manila Hotel, Sheraton Manila Hotel, Hilton Manila hotel, Okura Manila at Holiday Inn Express Manila para sa walang katulad na world class stay.
Itinuturing namang dream destination para sa buong pamilya ang dining at retail outlets na Newport Mall at Newport City.
“Endless” gastronomic and entertainment experience ang handang ibigay ng Newport World Resorts. The Grand Bar and Lounge, Bar 360 at El Calle Food and Music Hall at Newport Performing Arts Theater.
Kaya naman, bisitahin na ang www.newportworldresorts.com at tutukan ang social media accounts ng Newport World Resorts ngayon na!