Handang tumanggap si Senador Christopher ‘Bong’ Go ng iba’t-ibang suhestyon mula sa mga kapwa niya senador ukol sa panukalang batas na naglalayong magtatag ng Department Of Disaster Resilience (DDR).
Ito’y makaraang kontrahin nina Senador Richard Gordon, Panfilo Lacson, at Franklin Drilon ang panukala ni Go na bumuo ng DDR.
Dahil may ilang ahensya na anila ng pamahalaan ang may kaparehong mandato sa anila’y ‘bloated’ bureaucracy.
Kasunod nito, ani Go, ginagalang niya ang pananaw ng kanyang mga kasamahan.
Sa kabila nito, naniniwala pa rin si Senador Go na napapanahon nang talakayin ang panukala niya dahil may 6 pang kahalintulad sa panukala ang nakabinbin sa senado.
Sa huli, iginiit ni Senador Go, na nararapat aniyang maging maagap ang pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko sa gitna ng dumarating na sakuna o pagsubok sa buhay.