Balik PNP-Custodial Center na si dating Senador Bong Revilla Jr. matapos pansamantalang makapiling ang kanyang pamilya sa Cavite, sa bisperas ng Pasko, kahapon.
Ayon kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla, hindi inaasahan ng kanilang pamilya ang pagkakataong makasama ang kanyang ama na nakadetine dahil sa kasong may kaugnayan sa pork barrel scam.
Kahit aniya sa maiksing panahon ay nagpapasalamat sila sa pagkakataon dahil ngayong taon lamang nabuo ang kanilang pamilya sa pasko mula nang makulong ang dating mambabatas noong 2014.
Magugunitang pinayagan ng korte ang nakatatandang Revilla at kapwa aksudaong si Richard Cambe na makasama ang kani-kanilang pamilya simula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi sa bisperas ng Pasko.
Dumating naman ang convoy ni Revilla sa Crame alas-9:15 kagabi, alinsunod sa schedule na ibinigay ng Sandiganbayan.
—-