Posibleng lumutang ang Bongbong-Duterte bago ang eleksyon.
Ayon ito kay Atty. Oliver Lozano, isa sa mga supporter ng Marcoses kasunod nang inaasahang pormal na deklarasyon ng tandem nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senador Ferdinand Bongbong Marcos sa 2016 elections.
Gayunman, binigyang diin sa DWIZ ni Lozano na malaking bentahe ang tandem nina Marcos at Duterte o kahit sino sa mga ito ang sumabak sa pagka-Pangulo at Pangalawang Pangulo sa 2016.
“But a miracle can happen in a split second, posible ring mabaliktad, Bongbong-Duterte o vice versa, nasa performance kay Bongbong-Duterte o Duterte-Bongbong parehas din sa palagay ko kasi kung may team work ang president at vice-president, walang sagabal sa pagpatupad ng platform para sa kapakanan ng bansa.” Pahayag ni Lozano.
People power ibinabala
Samantala, nagbabala ng people power ang isang Marcos loyalist sakaling maging kaduda-duda ang resulta ng eleksyon sa 2016.
Ginawa ito ni Atty. Oliver Lozano makaraang ibunyag ng grupo ni dating Manila Councilor Greco Belgica na plantsado na ang resulta ng eleksyon sa 2016.
Ayon kay Lozano, maging ang kanilang grupo ay naniniwala sa ibinunyag ni Belgica dahil marami nang eksperto ang nagpatunay na nangyari na ito noon pang 2010 at 2013 elections.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay Ginoong Lozano
By Judith Larino | Len Aguirre| Balitang Todong Lakas
1 comment
Gusto ko yan! Solid Duterte po ako (y) :p