Hiniling ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga Pilipino na igalang ang kalayaan ng bawat isa na pumili ng kandidatong kanilang susuportahan sa darating na May 9, 2022 elections.
Ang apela ng UniTeam presidential bet sa mga botanteng Pinoy ay sanhi ng kapansin-pansing pagtaas ng bangayan sa pagitan ng mga tagasuporta ng mga kandidato sa iba’t ibang social media platform, lagpas isang buwan bago sumapit ang pambansang botohan.
“There is no reason for us to fight with one another over whom to support in the coming elections. Let’s respect each other’s freedom to choose. My response to hateful speech has always been to maintain a dignified silence because bickering is a waste of time,” sabi ni Marcos.
Nakita sa resulta ng ilang survey na ginawa ng mga polling firms na Laylo Research, Pulse Asia, at PUBLiCUS Asia at iba pa na malaki ang agwat ni Marcos at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte sa kani-kanilang mga karibal.
Ayon sa pinakahuling 2022 Pahayag National Election Tracker na inilabas ng PUBLiCUS Asia nitong Huwebes, nagtala si Marcos ng 55.1% na voter preference, mas mataas ng halos 3% kaysa sa kanyang 52.3% preference share noong Pebrero.
Malayong pangalawa naman si Leni Robredo na may 21%, sinundan ni Isko Domagoso na may 8.2%, Ping Lacson na may 4.2%, at Manny Pacquiao na may 1.8%.
“Now more than ever, we should not lose sight of our goal of uniting the country and helping our people free themselves from the grip of poverty that has weakened his belief in himself,” dagdag pa ni Marcos.
“Huwag rin sanang mawala ang pakikipagkapwa-tao natin habang papalapit ang eleksyon. Pamilya at pagkakaibigan pa rin ang mas matimbang kaysa sa anumang paniniwalang pulitikal,” saad pa ni Marcos.
Kumbinsido ang mga eksperto sa pulitika na ang kanyang [Marcos] malakas na pagpapakita sa mga surveys simula pa noong isang taon ay nangangahulugan lamang na malaking bahagi ng mga botante sa bansa ay nakapag-desisyon nang maghalal ng kauna-unahang majority president sa kasaysayan ng Pilipinas.
“It’s time for us Filipinos to rediscover our inner strength and realize that we can chart a better path for ourselves. My mission as a leader is to create opportunities that will enable people to make their dreams a reality,” diin pa ni Marcos.