Ikinukunsider ni dating senador Ferdinand Bongbong Marcos ang pagtakbo sa pagka Pangulo o pangalawang Pangulo at maging sa pagka senador.
Ayon ito kay Senador Imee Marcos kaya’t patuloy na umiikot ang kanyang kapatid at patuloy na nagsasagawa ng konsultasyon.
Sinabi ni Marcos na kung siya ang tatanungin bilang manang o ate, ayaw na niyang tumakbo si bongbong sa pagka Presidente dahil magiging mahirap ang sitwasyon.
Binigyang diin ni Marcos na magiging malaking karangalan naman kung magiging ka-tandem ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanyang kapatid.
Tinawag ni Marcos na marriage made in heaven kapag nagkatuluyan sina Sara at Bongbong dahil hawak nila ang solid north habang solid south naman ang nasa panig ng mga Duterte.