Malaki ang tiyansang makakuha ng 27 milyong botong lamang si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. mula sa kanyang mga kalaban sa pagka-pangulo sa darating na May 9, 2022 elections.
Ayon sa Splat Communications, organizer ng Kalye Survey, mula ang pagtataya sa pinagsama-samang datos na kanilang nakalap sa buong kapuluan sa mga nakalipas na buwan.
Kung magkakaroon ng turn-out na 82% mula sa 67 million registered voters, maaaring makakuha si Marcos ng 33,128,820 votes.
Si Leni Robredo ay malayong makasunod sa kanya na maaaring makakuha ng 5,637,638 votes.
Nagdesisyon ang grupong magkaroon ng ‘estimation’ upang mabigyan ng malinaw na larawan ang mga nakakalap nilang ‘statistical data.’
Base nitong Enero a-1 hanggang a-31 Kalye Survey results, si Marcos ay nakakuha ng 8,170 boto o 60.30% habang si Robredo ay may 1,323 o 9.77%.