Nagbayad ng limampung libong piso si dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos.
Ito ang multang ibinigay ng korte suprema na tumatayang P.E.T o Presidential Electoral Tribunal kay Marcos matapos labagin ang kautusan hinggil sa kaniyang protesta laban kay Vice President Leni Robredo.
Ang multa ay ipinataw din ng P.E.T kay Robredo dahil sa pagtalakay nito at maging ni marcos ng mga sensitibong impormasyon hinggil sa nakabinbing election protest.
Tiniyak naman ng kampo ni Robredo ang pagbabayad ng multa sa mga susunod na araw.