Muling nanindigan si dating Sen. Bongbong Marcos na wala siyang dapat ihingi ng tawad sa mga akusasyong pagpatay, pagpapahirap at iba pang mga kalupitan umanong nangyari sa ilalim ng pamumuno ng kaniyang ama.
Sa isang panayam sinabi ni Marcos na kung may makapagpapakita sa kaniya na siya ay may ginawang mali o sinaktan, handa siyang humingi agad ng tawad.
Ngunit hindi umano niya magagawang humingi ng tawad para sa ginawa ng ibang tao.
2013 nang pagtibayin ang Marcos compensation law na magbibigay ng pinansyal na kumpensasyon sa mga naging biktima ng pagpapahirap at paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng martial law.