Tatakbo para rin sa 2022 elections si dating senador Bongbong Marcos.
Ito ang kinumpirma ni Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Marcos, sa gitna ng pagkabasura ng electoral protest na kanilang inihain laban kay Vice President Leni Robredo.
Gayunman, sinabi ni Rodriguez na dapat pa ring abangan ang pormal na anunsyo ni Marcos sa mga plano nito sa 2022.
Kahapon nang lumabas ang desisyon ng presidential electoral tribunal na ibinasura ang electoral protest ni Marcos sa vice presidential race noong 2016 dahil sa kawalan ng merito.