Ikinakasa na ng iba’t ibang grupo ang kilos protestang kanilang isasagawa sa November 30, Bonifacio Day.
Ang umano’y pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng revolutionary government ang tema ng mga kilos protesta.
Pangungunahan ng mga grupong sumusuporta sa revolutionary government ang rally sa Don Chino Roces Bridge malapit sa MalacaƱang na tinatayang dadaluhan ng 300,000 katao.
Kasabay nito ang pagkilos din sa Davao City na pamumunuan ng kaibigan at taga-suporta ni Pangulong Duterte.
Samantala, sa Liwasang Bonifacio naman magsisimula ang pagmamartsa ng mga militante patungong Mendiola.
Ayon sa grupong BAYAN at Kilusang Mayo Uno, libu-libong manggawa at mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang inaasahang makikiisa sa naturang aktibidad.
Kasabay aniya ng paggunita sa rebolusyon ni Bonifacio ay lalaban din aniya sila para sa totoong kalayaan at demokrasya sa bansa.
—-