Magbibigay ng tripleng proteksyon ang booster shot matapos ang dalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni vaccine expert Dr. Rontgene Solante, nakita sa pag-aaral na ang protective efficacy ng COVID-19 vaccines ay bumababa sa ika-lima hanggang anim na buwan.
Dagdag ni Solante, malaki ang posibilidad na mababa lamang ang makukuhang impkesiyon kapag nagpaturok ang isang indibidwal ng booster dose kumpara sa first and second dose.
Paliwanag pa ni Solante, wala pang datos kung kailangan pa ulit magpaturok ng booster shot pagkalipas ng anim hanggang walong buwan.