Inihayag ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na hindi pa sigurado kung makakatanggap narin ng booster shot si Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang sinimulan na ang pagbibigay ng booster shot sa mga senior citizens, may comorbidities at medical health workers.
Ayon kay Nograles, nakadepende ang pagtuturok ng booster shots sa pangulo sa magiging rekomendasyon ng kanyang attending physician.
July 12 noong matanggap ng pangulo ang kanyang 2nd dose o eksaktong pitumpung araw matapos na maiturok ang kaniyang unang dose noong May 3.
Sinabi pa ni Nograles na abangan na lamang ang pagsasapubliko ng Malacañang sakaling matuloy sa booster shots si Pangulong Duterte. —sa panulat ni Angelica Doctolero