Isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbabakuna ng booster shot sa mga indibidwal na kabilang sa A1 hanggang A3 priority group.
Kaugnay nito, ikakasa ang pagbabakuna sa anim na district hospital at 18 eskwelahan sa naturang lungsod na mayroong nakalaan na tig- isang libong doses ng bakuna kontra COVID-19.
Samantala, papayagan namang magpabakuna ang mga magwo-walk-in na frontliners, senior citizen at may comorbidity. Kinakailangan lamang na magdala ng mga dokumento at IDs.—mula sa panulat ni Airiam Sancho