Hindi pa natatalakay ng vaccine expert panel (VEP) ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine booster shots sa mga edad mula 12 hanggang 17 taong gulang .
Ayon kay VEP head Dr. Nina Gloriani, kailangan munang mas paigtingin ang vaccination drive sa bansa habang hindi pa napag uusapan ang pagbabakuna sa mga menor de edad.
Bukod dito, dapat pataasin din muna ang bilang ng mga nakatatanggap ng first dose bago ibigay sa nasabing age groups ang ikatlong dose ng bakuna.
Aniya, wala dapat ipangamba ang publiko sa paghina ng bisa ng bakuna sa mga bata dahil mabuti umano ito sa immune response kumpara sa mga matatanda.
Matatandaang sinimulan na ang pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17 anyos nuong a 3 ng Nobyembre.