Uubra nang pag-usapan at tutukan ang isyu ng booster shots.
Ito’y ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire kapag nabakunahan na kontra COVID-19 ang 50% target population at magkaroon ng sapat na suplay ng bakuna.
Sinabi ni Vergeire na ang tinutukoy na booster shots ng mga expert ay kaparehong tatak ng bakuna na ginagamit ngayon o panlaban din sa delta variant at iba pang uri ng coronavirus.
Ipinabatid pa ni Vergeire na mayroon pang bibilhing second generation vaccines na sumasailalim pa sa clinical trial.