I-base ang booster shots sa scientific studies, ito ang pahayag ni Oxford vaccine chief Andrew Pollard kaugnay sa pagsasagawa ng booster shots para sa COVID-19 vaccines.
Hindi kasi siya sang-ayon sa ganoong ideya dahil aniya ay wala pa namang ebidensya na may nasasawi nang dahil sa bakuna kontra COVID-19 ang mahalaga aniya ay gumawa ng mas marami pang bakuna laban sa naturang sakit.
Magugunita na pinag-aaralan ng ilang bansa na magkaroon ng booster shots vaccines dahil sa panganib na dala ng delta variant.—sa panulat ni Rex Espiritu