Pinag-aaralan ngayon ng mga expert group ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng booster shot kontra COVID-19 sa mga highly vulnerable population.
Ito ay makaraang irekomenda ng World Health Organization (WHO) na mabigyan ng pangatlong bakuna ang mga indibidwal na hindi nakapag-develop ng immunity mula sa virus kahit fully vaccinated na ang mga ito.
Ipinabatid ni FDA Director General Eric Dominggo, kabilang sa mga maaaring makatanggap ng booster shot ay ang mga healthcare workers at senior citizen.
Samantala, maaari lamang ibigay ang booster shot kapag naabot na ang target population at may sapat na supply na ng bakuna ang bansa.