Suportado ni Health Secretary Francisco Duque, III ang pagbibigay ng booster shots sa mga healthcare workers.
Ngunit binigyang diin ni Duque na dapat ay malaking populasyon na ang nababakunahan kontra COVID-19.
Sa ngayon ayon kay Duque nasa 30% pa lamang ng kabuuang populasyon ang nakakumpleto na ng bakuna habang 34% pa lamang ang nakatanggap na ng first dose ng COVID-19 vaccine.
Sinabi rin ni Duque na mababa pa rin ang bilang ng mga nababakunahan sa labas ng Metro Manila.