Inirekomenda na ng United Nations–World Health Organization (WHO) ang COVID-19 booster shot sa mga edad 60 pataas na binakunahan ng Sinopharm at Sinovac.
Ayon sa WHO–Strategic Advisory Group, bukod sa ikatlong dose ng Sinovac at Sinopharm, maaari ring ikunsidera ang pagbibigay ng ibang vaccine brand, depende sa availability ng mga ito.
Inirekomenda rin ng advisory group ang booster sa mga moderately at severely immuno-compromised people.
Maaari iturok ang kahit anong uri ng bakuna bilang booster sa mga immuno-compromised dahil high-risk ang mga ito sa severe COVID-19. —sa panulat ni Drew Nacino