Isinulong ni Health Secretary Francisco Duque III sa pamahalaan na bigyan ng booster shots kontra COVID-19 ang mga healthcare worker.
Gayunman, nilinaw ni Duque na dapat pa ring unahin ang mga hindi pa nababakunahan batay sa rekomendasyon naman ng mga eksperto.
Ayon sa kalihim, dapat munang matiyak na malaking porsyento ng populasyon ang bakunado na kahit unang dose ng COVID-19 vaccine.
Sa ngayon ay nasa 23.8 milyon o 31.8 % na ng target population ang fully vaccinated.
Una nang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na walang pruwebang magpapatunay na nakapagbibigay ng kumpletong proteksyon ang booster shots laban sa COVID-19.—sa panulat ni Drew Nacino