Ibinaba ng Department of Health ang target sa PinasLakas Campaign ng gobyerno para sa booster vaccination coverage.
Mula sa 50%, ini-adjust ito sa 30% pagsapit ng Oktubre a – 8 para sa unang isandaang araw sa pwesto ni Pangulong Bongbong Marcos.
Gayunman, nilinaw ni DOH-OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nananatili ang kanilang target na makamit ang 50% booster coverage pagsapit ng katapusan ng taon sa ilang rehiyon gaya ng NCR.
Hindi rin anya ito nangangahulugan na magiging maluwag ang kagawaran sa kanilang pagsisikap at makuntento na lamang sa pag-abot sa 30%.
Umapela naman si Vergeire sa publiko na makiisa sa layunin ng gobyerno na protektahan ang sambayanan laban sa COVID-19 at magpa-booster, lalo ang mga hindi pa natuturukan nito.