Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Baguio City na magbibigay na rin sila ng booster shots sa mga turista simula ngayong araw, January 31 hanggang sa February 5.
Maaaring magpabakuna ang mga turista mula alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa SM Baguio 1 parking ngayong araw, sa Miyerkules at sa Sabado.
Bukas din para sa mga turistang magpapa-booster ang Baguio Country Club Cordillera Hall sa February 1 at University of Baguio Gymnasium sa February 3 at 4.
Kinakailangan lang ng mga turista na magpakita ng qr code mula sa baguio local government unit, valid id, at vaccination card o certificate na nakalagay ang petsa kung kailan natanggap ng huling dose ng COVID vaccine.