Hinigpitan ng pamunuan ng Bureau of Quarantine at Department of Agriculture ang pagbabantay nito matapos na maitala ng Russia ang unang kaso ng H5N8 avian flu sa mga tao.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang naturang hakbang ng dalawang kinauukulang ahensya para masigurong hindi makapapasok sa bansa ang virus.
Mababatid ani Duque na ilan sa mga sintomas ng virus ang pagkakaroon ng lagnat, ubo, diarrhea, pagsusuka at iba pa.
Bago nito, naunang natuklasan ang virus sa pitong manggagawa ng isang poultry farm sa katimugang bahagi ng Russia.