Binalaan ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang mga aplikante ng yellow cards o International Certificate of Vaccination (ICV) or Prophylaxis na mahaharap sa matinding parusa ang sinumang magsusumite ng pekeng dokumento.
Ayon kay BOQ Deputy Director Dr. Roberto Salvador, magbibigay sila ng hakbang upang matiyak na hindi peke ang mga ipi-presentang requirements sa pag-apply ng mga yellow card.
Una nang inanunsyo ng BOQ na ang naturang yellow card ay isang dokumentong ginagamit para sa mga indibidwal na nabakunahan na kontra COVID-19.
Bukod dito, sinabi ng BOQ na maaaring ma-revoke ang mga passport o kaya matanggal sa trabaho ang sinumang magpipresenta ng maling requirements sa pag-apply ng yellow cards.