Bubuksan na sa mga lokal na turista ang Boracay Island sa October 15.
Ayon kay Atty. Richard Fabila, Officer in Charge ng CENRO o Community Environment and Natural Resources Office sa Boracay, layon nito na masubukan muna kung epektibo ang mga inilagay nilang sewerage treatment plants (STP) sa isla bago ito buksan para sa lahat ng turista.
Plano rin aniya ni DENR Secretary Roy Cimatu na magtalaga ng mga environment enforcers na huhuli sa mga magtatapon ng basura.
“Ang purpose po nun ay kailangan nating ma-test ‘yung mga STP ng mga establishment na kakalagay lang po, so mga hanggang end of October po ‘yun, hindi po natin ma-detect ang pagiging handa o kung epektibo ba ang mga STP na itinayo kung hindi natin papasukan ng mga bisita.” Pahayag ni Fabila
(Tolentino Online Interview)