Binulabog ng pagbaha ang isla ng Boracay dahil sa mga nararanasang pag-ulan dala ng bagyong Egay.
Nalubog sa tubig baha ang mga pangunahing kalsada sa isla tulad na lamang sa Manoc-Manoc dahil sa kawalan ng drainage system.
Ganito rin ang sitwasyon sa station 1 at loob ng D’ Talipapa sa station 2 kung saan, may katagalan bago humupa ang baha.
Dahil dito, napilitang lumusong sa baha ang mga turista para makapunta sa iba’t ibang souvenir shops, mga kainan, spa at tinutuluyan nilang hotel.
By Jaymark Dagala