Aabot sa 35 ang bilang ng mga turistang dumating sa Boracay kasabay nang muling pagbubukas nito sa publiko kahapon Oktubre 1.
Sa datos, ayon kay Department Of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang mga naitalang dumating na turista ay pawang mga nagmula sa Aklan at Iloilo, at mangilan-ngilang mula sa Metro Manila.
Pagdidiin naman ni Romulo-Puyat, sa mga nais na masilayang muli ang ganda ng Boracay, ay kinakailangan munang magpakita ng RT-PCR test result na nagsasaad na negatibo sa COVID-19.
Habang exempted naman o hindi kasali sa naturang alituntunin ang mga residente mula sa Aklan na kinaroroonan din ng naturang tourist destination.