Inihayag ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na handa na ang Boracay para sa tinatawag na “revenge tourism.”
Ayon kay Puyat, na isa ang Boracay Island sa mga highly recommended tourist destinations sa Pilipinas.
Ang “revenge tourism” ay tinukoy bilang mga turistang gustong magbakasyon pagkatapos ng serye ng mga lockdown na dulot ng COVID-19 pandemic.
Samantala, sinabi ni Aklan Governor Florencio Miraflores na handa na rin ang tracing QR code system ng lalawigan, dahil awtomatiko na itong computer-generated para sa mga turistang kompletong nakapagpakita ng mga kinakailangang dokumento. —sa panulat ni Kim Gomez