Hindi na obligadong magpakita ng negative RT-PCR test result ang mga fully vaccinated na lokal na turista na bibisita sa Boracay simula ngayong araw.
Kaugnay nito, umaasa ang lokal na pamahalaan na muling sisigla ang turismo dahil sa pagluluwag sa restrictions.
Paglilinaw naman ni Aklan Governor Florencio Miraflores na kahit bakunado na ay kailangan pa rin ng lokal na turista na magpakita ng vaccination certificates mula sa website ng Department of Health (DOH) at Department of Information and Communications Technology (DICT).
Tatanggapin din ang mga vaccination cards mula sa local government units basta mayroon itong QR codes.
Gayunman, required pa rin ang negative RT-PCR test result sa mga turista na hindi pa fully vaccinated at sa Caticlan Airport lamang sila maaaring dumaan. —sa panulat ni Hya Ludivico