Kailangan nang i-take over ng national government ang pamamahala sa isla ng Boracay upang mabigyang solusyon sa lalong madaling panahon ang iba’t ibang problema nito.
Kabilang iyan sa mga irerekomenda ng binuong TWG o Technical Working Group na siyang mamamahala sa rehabilitasyon ng Boracay Island alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay DILG o Department of Interior and Local Government Assistant Secretary Epimaco Densing III, kaniya ring irerekomenda na isailalim ang Boracay sa State of Emergency sa loob ng 6 na buwan.
Bukod dito, imumungkahi rin ni Densing na isara muna sa loob ng dalawang buwan ang isla upang bigyang daan ang mga itatayong istruktura sa lugar na siyang kinakailangan para sa rehabilitasyon.
Posted by: Robert Eugenio