Bubuksan na sa June 16 ang Boracay Island.
Gayunman, ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, limitado lamang muna ito sa mga turista mula sa Western Visayas.
Ang pagbubukas ay bahagi aniya ng dry run na isinasagawa ng bayan ng Malay kung saan nais nilang magkaroon ng isang quarantine classification lamang sa mga isla.
Nuong unang araw ng Hunyo ay pinayagan na ni Malay Mayor Frolibar Bautista ang mga residente ng Boracay na maligo sa dagat mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.
Bukas ang lahat ng beaches mula sa front beach hanggang sa Puka beach.
Ang bawat 200 meter swimming area ay maaaari lamang mag okupa ng hanggang 100 katao samantalang nilagyan naman ng red flags ang mga lugar na hindi maaaring languyan.