Balot pa rin ng problema ang isla ng Boracay kasunod ng pagsalanta dito ng bagyong Ursula nuong araw ng Pasko.
Nag rereklamo na ang mga residente at mga business owner sa boracay dahil sa tone–toneladang basura sa isla.
Ngayong Huwebes, Enero 2, pa lamang anila nagsimulang mangulekta ng basura kaya marami pa ring lugar ang nakatambak ang basura at namamaho na ang mga ito.
Bukod sa basura, limitado rin ang suplay ng langis sa isla kaya kailangan pang pumila ng mga residente para makabili nito.
Ayon naman kay acting Malay Mayor Floribar Bautista, naapektuhan ng bagyo maging ang pagbibigay serbisyo ng lokal na pamahalaan.
Nagawan na ng paraan na magkaroon ng bank accesibility ngunit limitado pa rin ang suplay ng langis.
Kumikilos na aniya ang iba’t ibang mga haulers para maibyahe palabas ng isla ang basura at makapagpasok naman ng bagong suplay ng petrolyo.