Muling nanawagan si Environment Secretary Ramon Paje sa mga negosyante at lokal na pamahalaan ng Boracay na maging responsable at huwag nang magtayo pa ng mga gusali sa isla.
Ito’y makaraang gibain ng Deparment of Environment and Natural Resources o DENR ang mahigit 200 gusali malapit sa mismong dalampasigan ng isla.
Inamin din ni Paje na over built na ang isla ng Boracay kaya’t hindi na dapat madagdagan pa ang mga gusaling nakatayo na rito.
Kasunod nito, ipinanawagan din ng kalihim ang pagtutulungan ng lahat sa nasabing lugar upang mapanatiling malinis at maayos ang islang dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista.
By Jaymark Dagala | Business is our Business