Muli nang masisilayan ng mga turista ang angking ganda ng isla ng Boracay sa susunod na buwan makaraang isara ito dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang lahat ng mga turista ay kinakailangang magsumite ng COVID-19 test result na isinagawa at lumabas nang hindi lalagpas sa tatlong araw na nagsasaad na ‘negatibong’ status sa virus, bago makapasok at mabisita ang isla.
Bukod pa rito, ayon kay Romulo-Puyat, inabisuhan na nila ang mga airline companies na gamitin ang Godofredo P. Ramos Airport bilang kaisa-isang entry point sa isla.
Nauna rito, binuksan ang isla ng Boracay sa mga residente ng kalapit na lugar gaya ng Aklan, Antique, Capiz, at iba pa.