Naghahanda na ang mga opisyal sa Boracay na muling salubungin ang mga dayuhang turista matapos ang dalawang taon nang ipatupad ng bansa ang paghihigpit sa mga border dahil sa pandemya.
Ayon kay Boracay tourism officer Felix Delos Santos, nagsagawa na ng series ng pagpupulong ang mga opisyal ng Aklan kaugnay sa pagbisita ng mga naturang indibidwal.
Tiniyak naman nito na masusunod pa rin ang health and safety protocols para sa proteksyon ng mga turista.
Dagdag pa ni Santos, maaari ring mag-require ang nasabing lugar ng negatibong RT-PCR test result at proof of vaccination mula sa mga dayuhan.
Siniguro naman niya na beberipikahin ng mga lokal na opisyal ang mga dokumentong isusumite ng mga turista sa pagpasok sa Boracay.—sa panulat ni Airiam Sancho