Nagmistulang ghost town ang Boracay dahil walang lumalabas na tao matapos ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Una na ring ipinag-utos ni Acting Malay Mayor Floribar Bautista na pansamantalang pag suspindi ng mgabiyahe ng mga pampublikong sasakyan sa buong isla ng Boracay kasama ang bayan ng malay.
Nuong isang linggo inanunsyo ng provincial health office na ang positibo sa COVID-19 ang isang doktor ng Don Ciriaco Tirol Memorial Hospital sa isla ng Boracay at kasalukuyan nang nagpapagaling ang nasabing doktor sa Aklan Training Center sa Kalibo.
Ang highway at baybayin ng Boracay na dati ay punum-puno ng mga turista at residente ay tahimik at wala halos tao.
Inihahanda na rin ng lokal na pamahalaan ang relief goods na ipamimigay sa mga residente.