Walang katotohanan na ipinagbebenta ang isla ng Boracay sa bayan ng Malay sa Aklan.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources Region 6, Regional Director Jim Sampulna, false alarm lamang ang balitang bibilhin ng isang Taiwanese developer ang 17 hectare forestland sa Puka Beach area sa Boracay sa halagang P1.7 Billion.
Bahagi anya ang nasabing forestland sa mga pag-aari ng Boracay Property Holdings Inc o BPHI.
Pero naniniwala ang environmental group na Friends of Flying Foxes na sinusubukan talagang ibenta ng bphi ang forestland sa Boracay.
By: Jonathan Andal