Posibleng isailalim sa state of calamity ang isla ng Boracay sa Aklan.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources o DENR, ito ang posibleng maging hakbang kung hindi pa rin mareresolba sa lalong madaling panahon ang problema sa polusyon sa naturang isla.
Sa pag-iikot ni Cimatu sa Boracay, dismayado ito dahil sa dami ng mga establisimiyento at istrukturang lumalabag sa mga batas pangkalikasan.
Matatandaang una na ring iminungkahi ni Department on Interior and Local Government o DILG Officer in Charge Eduardo Año ang pagsailalim sa Boracay sa state of calamity.
—-