Tiwala ang Malay Tourism Office na tataas pa ang tourist arrivals sa isla ng Boracay sa katapusan ng Nobyembre sa harap ng pag-asang mabakunahan ang 100% ng mga residente at tourism workers laban sa COVID-19.
Sinabi ni Felix Delos Santos, Chief Tourism Operations Officer na nasa 92.2% ng toursim workers ang nabakunahan sa isla habang higit 94% sa eligible population.
Una nang sinabi ng lokal na pamahalaan ng Aklan na posibleng alisin ang negatibong RT-PCR test requirement para sa fully vaccinated mula sa labas ng isla ng Panay at Guimaras basta maipakita ang kanilang vaccination certificate.
Sa ngayon, nasa 292 na ang accommodation establishments ang nagbukas sa Boracay na may Certificate of Authority to Operate (CAO) mula sa Tourism Department.