Ito ang iniulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ginawang pagtalakay ng Senado sa panukalang pondo ng ahensiya para sa susunod na taon.
Ayon sa DENR, inaasahan nilang ganap na matatapos ang rehabilitasyon sa Boracay sa Disyembre ng susunod na taon.
Dagdag ng ahensiya, makukumpleto na rin ngayong weekend ang demolisyon ng anim (6) pang nalalabing establisiymentong nakitaan ng paglabag sa 30-meter exclusive zone mula sa baybayin ng isla.
Samantala, muli namang binanatan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan sa pagkakasira ng Boracay kasabay ng pagpuri sa aniya’y political will ni Environment Secretary Roy Cimatu.