Ipinagmalaki ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 6 Western Visayas ang naging rehabilitasyon ng sikat ng Boracay Island sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay DENR Region 6 Director Livino Duran, isang malaking tagumpay at mahalagang environmental achievement ang pagpapaganda sa Isla ng Boracay dahil sa Administrasyong Duterte.
Sinabi ni Duran na sa gitna ng pagdiriwang ng Environment Month, 90% nang kumpleto ang rehabilitation program sa pinaka kilalang beach destination sa bansa.
Umaasa ang DENR Region-6 na magiging prayoridad pa rin ng susunod na administrasyon ang rehabilitasyon sa nasabing isla upang mapanatili ang balanse ng kapaligiran at turismo ng bansa.