Target matapos ng Inter-Agency Task Force Boracay ang ginagawang rehabilitasyon sa isla sa buwan ng Mayo sa susunod na taon.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, may basbas mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig sa ginagawa nilang rehabilitasyon sa isla dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Dagdag pa ng kalihim, kanila nang tututukan sa muling pagpapatuloy ng rehabilitasyon ang pagpapatupad sa easement laws upang malinis sa anumang sagabal ang Boracay beachfront.
Nitong June 8, nasa 69% nang maayos ang easement sa beachfront habang ang road easement naman ay nasa 73% nang tapos.