Uubra namang isailalim sa land reform ang isla ng Boracay tulad nang naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte bago tumulak pa-China.
Ito ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones ay dahil nakasaad ito sa presidential proclamation ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Nakasaad dito aniya na ang mahigit 400 ektarya ng isla ay idineklarang forest land at nasa 628 heactares naman ang agricultural land.
Sinabi ni Leones na hindi mapapaalis ang mga residente ng Boracay na may hawak nang titulo bago mag-June 12, 1945.
Kasabay nito, ipinabatid ni Leones na sisilipin din nila kasama ang Department of Agrarian Reform o DAR kung pupuwedeng tamnan ng mga magsasaka ang uri ng lupa sa isla.
—-