Inihayag ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante na kailangan ngayong mas paigtingin ang pag-iingat ng Pilipinas pagdating sa border control.
Ayon kay Solante, dapat lang na panatilihin ang paghihigpit sa border screening partikular sa mga incoming travelers.
Dagdad pa ni Solante na dapat ma-monitor din ang mga aktibidad ng mga dumarating na pasahero lalo na’t may mga naitatala ng kaso ng Omicron sub-variant na BA.2 sa ilang mga bansa gaya halimbawa sa South Africa, UK at US.
Paliwanag naman ng eksperto, ang nasabing BA.2 variant ay nagdudulot ng mas limitadong proteksiyon sa mga bakuna kaya’t importante na mas mapalaganap ang vaccination para sa booster.