Sapat pa rin ang ipinatutupad na border control protocols sa bansa sa gitna ng pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa China.
Ayon sa Department of Health, hindi pa kailangang baguhin ang border control measures ng Pilipinas at kasalukuyan anila na ipinatutupad ang heightened surveillance at monitoring sa mga biyaherong papasok sa bansa.
Ginawa ng DOH ang pahayag matapos i-require ng ilang European countries sa mga biyahero mula China na magprisinta ng negatibong COVID-19 test pagdating sa kani-kanilang mga bansa.
Matatandaang noong January 4 nang iulat ng DOH na walong mga Pilipinong nanggaling sa China ang nagpositibo sa COVID-19.