Inirekomenda ng OCTA Research group sa pamahalaan na paigtingin pa ang pagbabantay sa mga border ng bansa.
Ito’y kaugnay sa pagsirit muli ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na sinasabing isang dahilan ay ang mga bagong variant ng nakahahawang sakit na nakapasok sa bansa.
Ayon kay Prof. Guido David, bagama’t nagpapatupad noon ng travel ban ang bansa, ngunit dahil hindi naman ito pang matagalan, nariyan pa rin ang tyansa na makapasok ang mga bagong variant ng COVID-19.
Nag-implement ka ng 2-week travel ban, pag ni-reopen mo, ganoon din. Ang main problem dyan, paano nakapasok itong mga variant na ito galing sa ibang bansa, ang nakikita nating problema, isinama namin sa recommendations namin na medyo late ‘yung border control natin,” ani David.
Ani David, mas mabuti kung pag-aaralan muli ang mga ipinatutupad na alituntunin pagdating sa international travel na lumalapag sa bansa.
Kasi ang current protocols na nakikita namin, after 5 days, pag nag-negative, pwede nang umuwi, wala ng quarantine. Sa ibang bansa 14-day quarantine, mandatory, kahit magnegative ka na,” ani David. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais