Inilatag na ng DOH ang border control system ng bansa upang matiyak na hindi makapapasok ang mga pasaherong mula sa United Kingdom.
Tiniyak ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa gitna ng nararanasang third wave ng Covid-19 pandemic sa ilang bahagi ng Britanya.
Ayon kay Vergeire, gumagamit na ngayon ang Pilipinas ng mga metrics o sistema na katulad ng sa center for disease control ng U.S. at alinsunod sa standards ng World Health Organization.
Sa pamamagitan anya nito ay agad nilang nakikita kung sinong foreign visitors ang dapat i-restrict o pagbawalang makapasok ng bansa.
Ito ang dahilan kaya’t mayroong ipinatutupad na green, yellow at red countries category ang gobyerno na nakatutulong sa border control ng Pilipinas.—sa panulat ni Drew Nacino